Kauna-unahang barge terminal sa bansa, pasisinayaan ng DOTr sa ika-22 ng Nobyembre

by Radyo La Verdad | November 19, 2018 (Monday) | 3475

Pasisinayaan ng Department of Transportation (DOTr) ang Cavite Gateway Terminal (CTG) sa ika-22 ng Nobyembre, araw ng Huwebes.

Ito ang kauna-unahang barge terminal sa bansa na matatagpuan sa Tanza, Cavite.

Layunin ng CTG na makapag-transport ng mga cargo galing sa international port sa Metro Manila patungong Cavite at sa kalapit nitong port facilities sa Luzon gamit ang roro operations.

Dahil dito, mababawasan na ang mga cargo truck na bumibyahe sa Metro Manila.

Bukod sa makababawas sa bigat sa daloy ng trapiko, ayon sa DOTr maiiwasan na rin ang pagka-delay ng delivery ng mga cargo.

Ang CTG ay sa ilalim pa rin ng “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte na inumpisahan noong 2017.

 

Tags: , ,