Kasong murder laban sa Makabayan 4, binasura ng korte

by Radyo La Verdad | August 13, 2018 (Monday) | 1782

Dinismiss na ng korte sa Palayan City, Nueva Ecija ang kasong murder na isinampa laban sa Makabayan 4 o ang apat na dating mga progresibong kongresista.

Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Rachel Pastores, kinatigan ng korte ang kanilang mosyon na ma-dismiss ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Dahil dito ay pinawalang-bisa na ng korte ang warrant of arrest laban kina dating Bayan Muna Party-list Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño, dating Anakpawis Party-list Rep. Rafael Mariano at Secretary Liza Maza na kasalukuyang chairperson ng National Anti-Poverty Commission at dating kinatawan ng Gabriela.

Una nang nanindigan ang kampo ng Makabayan 4 na gawa-gawa lamang ang kaso at paraan lamang ito upang gipitin sila at patahimikin.

 

 

Tags: , ,