Kaso ng Influenza-like illenesses bumababa – DOH

by Radyo La Verdad | January 31, 2024 (Wednesday) | 6678

METRO MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang mga kaso ng influenza-like illnesses sa buong bansa.

Base sa datos ng DOH bumaba na ng nasa 15% ang mga kaso ng sakit na kahalintulad ng trangkaso sa pagpasok ng taong 2024.

Gayunman sinabi ng DOH, na maaari pa ring mabago ang mga numero batay sa mga bagong report.

Noong nakaraang taon umabot sa 193,148 ang influenza-like illnesses na naitala sa bansa.

Tags: ,