Kaso ng droga sa NBP, nabawasan na – Sec. de Lima

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 2522

BOC
Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na matapos ang raid na kanilang isinagawa sa New Bilibid Prison nabawasan na ang kaso ng droga sa nasabing kulungan.

Sa ngayon ay malapit nang matapos ang building 14 na ipinagawa sa loob ng NBP kung saan ililipat ang 19 na convicted drug lords.

Tiniyak ngayon ng DOJ na ang mga seldang paglilipatan sa mga convicted drug lords ay simpeng kwarto lamang at malayong malayo sa mga magagarang kubol ng mga ito na una nang natuklasan ng DOJ.

Titiyakin din ng DOJ na ang mga seldang ito ay may mga CCTV at piling pili ang mga guwardiyang ilalagay dito upang hindi na makapasok pa ang mga ilegal na droga, baril at anumang communication gadgets.

Tags: