METRO MANILA – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17 karagdagang kaso ng XBB.1.16 o Arcturus sa bansa.
Batay sa genome sequencing mula May 15-May 19, ang mga naitalang bagong kaso ay mula sa iba’t ibang probinsya.
Sa 17 kaso, pito ay mula sa Western Visayas, 5 sa Davao region, 2 sa National Capital Region,
At 1 sa Bicol region, Central Visayas at Mimaropa. Sa kabuuan, mayroon nang 28 kaso ng Arcturus sa Pilipinas.