Kasaysayan mula batas militar hanggang 1986 EDSA People Power, makikita sa kauna-unahang Experiential Museum

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 3691

ROSALIE_EXPERENTIAL-MUSEUM
Hinihikayat ng pamahalaan ang publiko lalo na ang mga kabataan na bisitahin ang People Power Experiential Museum sa Camp Aguinaldo upang alalahanin ang ipinaglaban ng mga Pilipino noong 1986 EDSA People Power Revolution.

“Kapag hindi natin natutunan ang ating nakaraan, malamang mauwi muli sa mga kamalian at kasawiang dinanas kayang mahalagang maunawaan at malaman natin ang tunay na kasaysayan ng EDSA.” Ani ni Coloma.

Binubuo ng teatro, sine, potograpiya, at iba pang pagtatanghal ang experiential museum na maaaring magdulot ng pagkamangha o galit sa mga bibisita rito.

Sa kabuuan, nahahati sa siyam na bahagi na may kani-kaniyang punto sa kasaysayan mula Martial Law hanggang 1986 EDSA revolution.

Ang layunin ng milyong halagang museo ay upang imulat at ipaalaala sa publiko lalo na sa mga kabataan ang galit laban sa mga inhustiya at pag-abuso sa kapangyarihan na hindi na dapat pang pahintulutang maulit sa kasaysayan ng bansa.

Open ang Experiential Museum simula bukas, araw ng Huwebes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas-onse ng gabi.

Walang bayad ang pagpasok sa museo at dahil nasa loob ng Camp Aguinaldo o General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines, magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad ang military police.

Pinapaalala rin ang pagdadala ng identification card sa pagpasok sa kampo at kung maaari ay gumamit ng transparent na bag o lalagyan ng gamit.

Bawal magdala ng anumang uri ng armas at patalim.

Bawal ding maglibot sa ibang bahagi ng kampo liban sa afp grandstand kung saan naka-set up ang People Power Experiential Museum.

May nakatalaga ring parking lot para sa mga magdadala ng sasakyan.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,