Karapatan ng Pilipinas sa Pag-asa Island at kalapit na mga isla, igigiit ni Pangulong Duterte sa China

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 4864

Ipinaliwanag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng 67th birthday ng Philippine Marine Corps ang posisyon ng pamahalaan sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, hindi maaaring ipilit agad ng Pilipinas sa pamamagitan ng arbitral ruling ang maritime rights ng bansa sa rehiyon.

Ayon sa Pangulo pinanghahawakan niya ang pangako noon ni Chinese President Xi Jinping na hindi magtatayo ng mga isla sa Scarborough o Panatag Shoal. Tiniyak rin ng Pangulo na patuloy niyang ipaglalaban ang teritoryo ng bansa.

Samantala sa naturang pagtitipon, ginawaran ng Pangulo ng Order of Lapu-Lapu ang mga sugatang sundalo na nakipaglaban sa Marawi.

Gayundin pinagkalooban rin sila ng livelihood o alternatibong pagkakakitaan. Inihayag rin ng Pangulo na naglaan siya ng 500 million pesos para sa pabahay sa mga sugatang sundalo na nakipaglaban sa Marawi.

Target na maitayo ang naturang pabahay malapit sa sa Metro Manila.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,