Suportado ng karamihan sa mga Pilipino ang martial law declaration sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang lumabas sa isinagawang Survey ng Social Weather Stations noong June 23 hanggang 26.
Limamput pitong porsyento sa isang libo at dalawandaang respondents ang nagsabi na tama lamang na isailalim sa batas militar ang buong Mindanao.
Dalawamput siyam na porsyento naman ang naniniwalang sa Marawi City at Lanao del Sur lamang nagdeklara ng martial law.
Labing isang porsyento naman ang nagsabi na dapat ay hanggang sa mga katabing probinsya lamang nito ang sakop ng martial law habang dalawang porsyento naman ang undecided.
Tags: duterte, Mindanao, SWS survey