Karagdagang kaso ng Covid-19 variants, naitala ng DOH, UP-PGC, at UP-NIH

by Erika Endraca | June 22, 2021 (Tuesday) | 1879

METRO MANILA – Nakapagtala ng mga panibagong kaso ng Covid-19 variants ang Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) kahapon, June 21, 2021.

Apat (4) ang naitalang bagong kaso ng Delta variant mula sa hanay Returning Overseas Filipino(ROF); 14 naman ang Alpha variant cases ; 21 na Beta variant cases at 1 Theta variant case .

Siniguro naman ng DOH, UP-PGC, at UP-NIH na patuloy ang pagsasagawa nila ng bio surveillance para sa pagtuklas ng mga variant ng COVID-19 sa gitna ng pagtaas ng mga kaso sa Visayas at Mindanao.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,