Kampo ni VP Binay, dumipensa sa pamumuna ng Malacanang sa ginawang bersyon ng SONA ng pangalawang Pangulo

by Radyo La Verdad | August 4, 2015 (Tuesday) | 1319

LACIERDA
Nauwi sa SONA ni Vice President Jejomar Binay ang dapat sana’t ay student assembly sa Cavite State University

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda

Nagpost si Lacierda sa facebook ng isang larawan ng memorandum ng Cavite State University President sa mga college dean na nire-require ang third at fourth year college student na dumalo sa nasabing student assembly kahapon, na siyang venue ng tinawag na true SONA ng pangalawang Pangulo.

Ayon sa kampo ni VP Binay, tila martial law ang ginagawa ng Malakanyang at wala din itong karapatan na supilin ang malayang palitan ng opinion lalo na sa mga paaralan.

Nilinaw rin ni Joel Salgado, OVP Media Affairs Head na inimbitahan si VP Binay bilang guest speaker ng student assembly na inorganisa ng Cavite State University Student Council at doon niya inihayag ang kanyang true SONA.

Ayon kay Salgado hindi rin dapat na takutin ang mga mag-aaral kung hindi nagustuhan ng Malacanang ang palakpakan ng mga ito .

Sinabi rin ni Salgado na sagutin na lamang ng Malacanang ang mgas inabi ng Bise Presidente sa kanyang kontra SONA.

Nabanggit rin ni Salgado na bukod sa tinatakot ang mga opisyal at estudiyante ng State University ay binawasan na rin umano ang budget nito.

Di naman kumbinsido si Secretary Lacierda sa katwiran ni Salgado at kinuwestyon kung bakit hindi nabanggit sa memorandum na honored guest speaker si VP Binay at sa halip ay tinawag lamang ito na “student assembly”.

Tags: , ,