Kampo ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino, nakatakdang maghain ng mosyon sa Korte ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 23, 2016 (Friday) | 798

Lt.-Col.-Ferdinand-Marcelino
Hihilingin ngayong araw ng kampo ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa Korte na huwag itong isailalim sa paglilitis kaugnay sa drug posession case.

Ito ay kasunod ng pagbaliktad ng Department of Justice sa una nitong desisyon na i-abswelto sa kaso si Marcelino dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta, kabilang sa kanilang ihahain sa Manila Regional Trial Court ay ang motions to suspend issuance of arrest warrant, arraignment and judicial determination of probable cause at motion to quash.

Tags: ,