Pinag-aaralan na ng kampo ni dating Senador Ramon Bong Revilla ang paghahain ng panibagong bail petition sa Sandiganbanyan kasunod ng paglaya ng kapwa akusadong si Jinggoy Estrada.
Ayon sa asawa nitong si Bacoor City Mayor Lanie Mercado-Revilla, nagkaroon sila ng pag-asa na makakalabas din ito ng kulungan. Nangako naman si Mercado na sakaling makalabas ang kaniyang asawa ay haharapin pa rin nito ang mga inakusa sa kaniya at hindi nito tatakasan.
Kapwa nahaharap sa kasong plunder sina Revilla at Estrada dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng kanilang pork barrel funds.