Kamara, sinimulan nang talakayin ang 2019 proposed national budget

by Radyo La Verdad | July 31, 2018 (Tuesday) | 3097

Sinimulan ng talakayin ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pondo ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 3.757 trillion peso 2019 proposed national budget, ang Department of Education (DepEd) ang pinaglaanan ng pinakamalaking pondo kasunod ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of Transportation (DOTr).

Unang tatalakayin ng Kamara ang pondo para sa Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Cash based ang proposed 2019 national budget.

Hinikayat naman ni Appropriations Committee Chairman Representative Karlo Nograles ang mga kapwa mambabatas na sumali sa gagawing pagtalakay sa panukalang pondo.

 

 

Tags: , ,