Kamara, aalamin na ngayong araw kung may grounds ang impeachment complaint vs CJ Sereno

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 1933

Susuriin nang mabuti ng House Committee on Justice ngayong araw ang alegasyong nakasaad sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema, lalo na kung ang mga ito ba ay impeachable offense. Saka nila pagbobotohan kung ito ay papasa sa sufficency of the grounds.

Muli namang giniit ng kampo ni CJ Sereno na payagan siyang irepresenta ng kanyang mga abugado sa pagdinig.

Ito’y matapos sabihin kamakailan ni Umali na dapat ay mismong si CJ Sereno ang magsagawa ng cross examination sa mga testigong ipiprisinta ng complainant.

Ayon naman kay Umali, tatalakayin at pagbobotohan nila sa kumite ang hiling na ito ni Sereno.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,