Kaligtasan ng mga pasahero at driver sa kalsada, mas matitiyak kung gamit ang modernong jeep – DOTr

by Radyo La Verdad | October 26, 2017 (Thursday) | 2864

Mas malaki na ang posibilidad na mabawasan ang aksidente sa lansangan gamit ang modernong jeep ayon sa Department of Transportation.

Base sa Metro Manila Accident Recording and Annalisys System, mahigit 11-libong aksidente ang nangyari sa Metro Manila sa buong taon ng 2016.

Base sa report, human error at vehicle defect ang kadalasang sanhi ng aksidente.

Ayon kay DOTR Senior Transportation Development Officer Lemar Jimenez, ito ang kadalasang resulta kapag masyado ng luma ang mga jeep.

Ayon kay Jimenez, sa jeepney modernization program, bukod sa bago na ang makina at kaha ng mga modernong jeep, magiging regular na ang maintenance nito at sasailalim pa sa training ang mga driver.

Kaya naman ang mga mananakay mas prefer ang mga modernong jeep.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,