Kalahati ng bansa, nagawan na ng flood hazard map ng DOST

by Radyo La Verdad | March 31, 2016 (Thursday) | 1204

DOST
Maaagang mabibigyan ng babala ang mga residente sa mga bahaing lugar dahil sa bagong flood hazard map na ginawa ng Department of Science and Technology.

Sa pamamagitan ng Light Detection and Ranging System o LIDAR ng dream project ay nabigyan na ng detalye ang mahigit sa 486 municipalities sa bansa na mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbaha kapag umuulan.

Ayon sa DOST, mas tukoy na ngayon ang mga lugar na babahain depende sa dami ng ulan.

Unang naimapa ang mga lugar sa tabi ng mga pangunahing ilog sa bansa gaya ng Cagayan River, Pampanga River at Marikina.

Makatutulong din ito sa mga gustong bumili ng property sa isang lugar dahil available sa LIDAR website ang hazard map.

Ayon sa DOST, malaki ang natipid ng pamahalaan sa LIDAR kumpara sa mga available map na maaaring bilhin sa mga pribadong provider.

Una nang inianunsyo ng PAGASA na sa tag-ulan ay posibleng umiral ang La Niña na posibleng magpabaha sa maraming lugar.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: ,