Sinira ng Bureau of Custom (BOC) sa Guiguinto, Bulacan ang kahon-kahong expired relief goods, used clothings, gulong at bulok na seaweeds na nasabat sa Port of Manila noon pang Enero 2014.
Gamit ang crushing machine, isa-isang pinagputol-putol ang mga ito habang ang mga pakikinabangan pa ay i-rerecycle.
Gaya na lang ng laman ng ilang balikbayan boxes na planong ipagkaloob ng BOC sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ipamigay naman sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang mga naturang kargamento ay kinumpiska ng BOC bunsod ng kawalan ng permit.
Tags: BOC, DSWD, expired relief goods