Sa mga natatanggap na ulat ng Department of Social Welfare and Development na kaso ng pang-aabuso sa mga bata, kadalasang ang kahirapan ang nagtutulak sa mga magulang na gawin ito.
Kabilang ditto ang child trafficking at child labor.
Isang halimbawa nito ang pananakit sa tatlong taong gulang na batang babae sa Mexico, Pampanga.
Hindi umano nagbibigay ng sustento sa bata ang kanyang ama.
Bukod sa pananakit, isa ring binabantayan ng kagawaran ang paggamit sa mga bata sa pagbebenta ng illegal drugs.
Ayon sa DSWD isa sa nakikita nilang solusyon sa pagsugpo sa child abuse ay angpagpapalakas ng programa sa mga komunidad upang maihanda ang mga kabataan sa maayos na buhay.
Sinabi pa ng DSWD mapapabilis ang pagsugpo sa tumataas na bilang ng ibat-ibang uri ng mga pang-aabuso sa bansa kapag inumpisahan ang pagpapalakas ng programa sa mga komunidad.
Hindi lamang umano ito laban ng kagawaran kundi maging ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan upang maisalba ang buhay at maihanda ang mga kabataan para sa maayos na kinabukasan.
(Aiko Miguel/UNTV Radio)