Isang press conference ang isinagawa kaninag umaga sa tahanan ng mga Odicta.
Ayon sa kapatid ni Melvin Odicta na si Brgy. Captain Nene Odicta tagapagsalita ng pamilya hindi totoo ang mga lumalabas na ulat na may naiwang drug matrix ang mag-asawang Odicta sa kanilang bahay sa Iloilo.
Itanggi rin ng kapitan na sila ang drug lord sa Iloilo City na nag-ooperate sa Western Visayas.
Ayon kay Kapitan Nene, noon pa ay nakatanggap na ng death threat ang mag-asawa mula sa hindi kilalang tao bago ito pinatay ngunit hindi na ipinahayag sa kapatid ang ibang detalya ng banta sakanilang buhay.
Samantala sinabi narin ng pamilya na hindi na sila magsasampa ng kaso sa mga nasa likod ng pagpatay sa kanilang kapatid.
Ngunit anila hindi nila pipigilan ang mga pulis sa pag-imbestiga at handa parin umano silang makipagtulungan upang mapabilis ang pagresolba sa kaso.
Nananawagan din ang pamilya kay PNP Chief Dela Rosa na bigyan sila ng seguridad dahil sa pangamba sa kanilang buhay.
Dagdag pa ni Nene na mabait na kapatid si Melvin noong buhay pa ito at mabuting ama sa pito nitong anak.
Nakatakda ang burol ng dalawa sa September 11 alas dos ng hapon.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: Kaanak ng mga Odicta, may naiwang drug matrix ang mag-asawa sa bahay nito sa Iloilo