Justice Sec. Menardo Guevarra, hiniling na magbitiw ang lahat ng DOJ undersecretaries at assistant secretaries

by Radyo La Verdad | April 30, 2018 (Monday) | 2338

 

Pinagbibitiw ni Acting Sec. Menardo Guevarra ang lahat ng mga undersecretary at assistant secretaries ng Department of Justice.

Sa isang memorandum, inatasan ni Guevarra ang mga undersecretaries at assistant secretaries  ng kanyang departamento na  magsumite ng kanilang courtesy resignation sa opisina ng pangulo hanggang ngayong araw.

Limang undersecretary at anim na assistant secretary ang iniwan ng nagbitiw na si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Ngunit ayon kay Guevarra, mananatili muna sa pwesto ang mga undersecretaries at assistant secretaries  habang wala pang aksyon ang pangulo sa kanilang courtesy resignation.

Tags: , ,