June-March na pasok sa mga paaralan, maaaring ibalik na sa 2025 – DepEd

by Radyo La Verdad | January 19, 2024 (Friday) | 2060

METRO MANILA – Posibleng maibalik na ang June to March school calendar sa 2025 to 2026 school year.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Deputy Spokesperson Assistant Sec. Francis Bringas, base sa resulta ng kanilang isinagawang konsultasyon noong January 15, 2024, sang-ayon ang mga paaralan, guro at magulang sa mga probisyong nakapaloob sa draft.

Bukas din ang ilang private schools sa posible revision na ito ngunit kinakailangan pa anilang pag-aralang mabuti.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang review ng DepEd ukol sa hakbang na ito.

Tags: ,