Jeane Napoles, tumanggi maghain ng plea sa isang kaso ng tax evasion

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1117

CTA
Tumangging maghain ng plea ang anak ni Janet Lim Napoles na si Jeane sa isang tax evasion case laban sa kanya sa Court of Tax Appeals 3rd division.

Kaugnay ito ng umano’y hindi pagbabayad ni Jeane ng 17.46 million pesos na buwis sa mga pag-aari niya sa Los Angeles California na nagkakahalaga ng 1.2 million dollars o 54 million pesos.

Naghain din ng motion for judicial determination of probable cause ang kampo ni Jeane na humihiling na idismiss na ng korte ang kaso.

Naninindigan ang batang Napoles na walang basehan ang tax evasion case dahil wala siyang income na dapat ideklara sa Bureau of Internal Revenue.

Tags: