Dumaong sa Alava Wharf, Subic Bay Freeport Zone noong Sabado ng umaga ang Japanese Maritime Self-Defence Force Flotilla Four para sa isang goodwill visit. Kabilang dito ang isang helicopter carrier at dalawang Navy destroyer.
Ayon kay Japanese Flotilla Commander Tatsuya Fukuda, ang kanilang fleet deployment ang kontribusyon ng Japan para sa seguridad sa rehiyon sa gitna ng usapin sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Noong hapon ay dumating naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pantalan para bisitahin ang Japanese fleet. Nag-tour ang Pangulo sa clinic at museum sa loob ng Japanese warship na JS Kaga.
Nakipagpulong din si Pangulong Duterte kay Japan Parliamentary Vice-Minister of Defense Keitaro Ohno at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda.
Kasama ng Pangulo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Special Assistant to the President Bong Go at SBMA Chairman Amy Eisma.
Magtatagal ang Japanese fleet sa bansa hanggang Miyerkules, ika-5 ng Setyembre. Pagkatapos nito ay tutungo rin sila sa Indonesia, Singapore, Sri Lanka at India.
( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )