Nasa kritikal ngayon ang kalagayan ng isang Japanese pop star na si Mayu Tomita matapos itong saksakin ng kanyang tagahanga.
Bigla na lang sinugod at pinagsasaksak si Tomita bago ang kanyang concert sa Tokyo.
Kaagad namang naaresto ng mga pulis ang suspek na kinilala na si Tomohiro Iwazaki, 27-anyos.
Nakuha sa kanya ang duguang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit nito sa krimen.
Ayon sa imbestigasyon, nagalit umano si Iwazaki kay Tomita nang isauli ng Japanese pop star ang kanyang ibinigay na regalo.
Nabatid na bago pa man naganap ang insidente ay nakakatanggap na umano ng mga banta si Tomita sa kanyang social media accounts.
(UNTV RADIO)
Tags: Japanese pop star