Jamaica, muling nakakuha ng ginto 110 meter hurdles sa World Athletics Championships

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 752

Ibinalik ni Omar Macloed ang naglahong ngiti ng mga Jamaican sa World Athletics championships. Ito ay matapos na nakuha niya ang gold sa 110 meters hurdles.

Dumating ang panalo ni Macleod matapos ang nakakasamang loob na pagkatalo ni usain bolt at elanie thompson sa 100 meters event.

Naorasan ang 23-year-old na si Macleod ng 13. 04 seconds isang metro ang layo sa defending champion na si Sergey Shubenkov ng Russia.

May tiempo ang Russian sprinter na 13. 14 seconds.

 

Tags: , ,