Jaclyn Jose, nanalong best actress sa Cannes Film Festival

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 1223

CANNES
Tinanghal na best actress sa Cannes Film Festival ang premiyadong actress na si Jaclyn Jose sa pelikulang “Ma Rosa”.

Gumanap si Jose bilang isang ina na napilitang magtulak ng ipinagbabawal na droga upang mabuhay ang kanyang pamilya.

Aminado si Jose na nasorpresa at hindi niya inaasahan na siya ang mananalong best actress sa prestihiyosong film festival.

Ang pelikula ay dinirek ng nanalong best director ng Cannes noong 2009 na si Brillante Mendoza.

(UNTV RADIO)

Tags: ,