Jack Lam, pwedeng mag-negosyo sa bansa kung magbabayad ng tamang buwis ayon kay Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | December 9, 2016 (Friday) | 1664

pres
Maaaring makabalik at makapag-operate muli ng kanyang negosyo sa Pilipinas ang top casino kingpin na si Lam Yin Lok o mas kilala sa tawag na Jack Lam.

Ngunit ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ito ay kung magbabayad ito ng tamang buwis at hihingi ng paumanhin sa tangka umanong panunuhol kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Kinumpirma ng pangulo na nagpadala ng surrender feelers ang Macau-based gambling tycoon at nais umanong bumalik sa bansa.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Lam dahil sa economic sabotage.

Ito ay matapos maaresto ang mahigit isanglibong Chinese na umano’y illegal workers sa Fontana Leisure Park and Casino na pag-aari nito sa Clark, Pampanga.

Inakusahan rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Lam ng umano’y tangkang panunuhol upang palayain ang Chinese workers.

Tags: ,