Jack Lam, handang bumalik sa bansa ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | December 8, 2016 (Thursday) | 1676

pdg-dela-rosa
Nagpadala na ng surrender feeler ang big time online gambling operator na si Lam Yin Lok o mas kilala sa tawag na Jack Lam.

Ito ay ayon kay Philippine National Police Chief Police Director General Ronald Dela Rosa.

Sa isang panayam sa AFP Change of Command Ceremony kahapon, sinabi ng pinuno ng pambansang pulisya na handang bumalik ng bansa si lam at harapin ang mga reklamo sa kanya.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa online gambling tycoon dahil sa economic sabotage.

Ito ay matapos maaresto ang mahigit isanlibong chinese na umano’y illegal workers sa Fontana Leisure Park and Casino sa Clark, Pampanga.

Inakusahan rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Lam ng umano’y tangkang panunuhol upang palayain ang Chinese workers.

Tags: ,