Isyu sa seguridad sa Benham Rise, muling tatalakayin sa pagdinig ng Senado

by Radyo La Verdad | March 27, 2017 (Monday) | 1661


Isasalang sa talakayan sa Miyerkules ng Senate Committee on Economic Affairs ang issue sa Benham Rise.

Sinabi ni Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian pagpapatuloy ito sa hearing noong March seven sa inahing panukalang batas ni Senator Sonny Angara na bumuo ng Benham Rise Development Authority.

Naniniwala si Senator Gatchalian na nararapat na ipagpatuloy ang pagdinig sa issue ng Benham Rise para makagawa ng paraan para ma-protektahan ang karapatan ng Pilipinas sa lugar.

Tags: , ,