Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng impeachment committee ngayon araw, tatalakiyan ng kumite ang alegasyong pag-delay umano ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa mga pensiyon at benepisyo ng mga retiradong hukom ng Korte Suprema.
Imbitado dito ang mga opisyal ng Supreme Court Special Committee in Retirement and Civil Service Benefits at Court Administrator.
Samantala, inaasahan namang haharap sa impeachment committee sina Supreme Court Associate Justices Francis Jardaleza, Noel Tijam, Teresita de Castro at Ret. Justice Arturo Brion sa December 11.
Tags: CJ Sereno, impeachment committee, pension