Isyu ng human rights violation sa bansa, tinalakay sa pagdalaw ng delegasyon ng European union kay Sen. Leila de Lima

by Radyo La Verdad | July 20, 2017 (Thursday) | 1775


Pasado alas tres kahapon nang dumating sa PNP Custodial Center ang European Union Delegation upang bumisita kay Senador Leila de Lima.

Kabilang dito ang apat na miyembro ng European Parliament mula sa Subcommittee on Human Rights kasama si Acting EU Ambassador to the Philippines Mattias Lentz.

Nais ng EU na kamustahin ang kalagayan ng senadora sa loob ng detention facility.

Sa pagdalaw ng EU Delagation, napag-usapan ang panukalang pagbuhay sa death penalty at ang pagpapababa sa minimum age ng criminal responsibility.

Ikinatuwa naman ni De Lima ang pagbisita ng EU sa kanya.

Sa inilabas na pahayag ng senadora, pinasalamatan nito ang pagmamalasakit at suporta sa kanya ng grupo at sa paniniwala nito na fabricated o gawa gawa lamang ang mga ebidensya laban sa kanya.

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

Tags: , ,