Isang Pinoy NGO at dating gov’t official, kabilang sa tumanggap ng Ramon Magsaysay Award

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 3764

Itinuturing na pinakamataas na parangal sa buong Asya ang Ramon Magsaysay Awards. Isinunod ito sa pangalan ng ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Ramon Magsaysay at ipinagkakaloob sa mga personalidad o organisasyon na nakagawa ng pambihirang paglilingkod na nagdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.

Anim ang Ramon Magsaysay Awardees ngayong taon at ang mga ito’y mula sa Japan, Indonesia, Sri Lanka, Singapore at Pilipinas.

Kabilang dito ang dating Director General ng Philippine Economic Zone Authority na si Lilia de lima. Dahil sa kaniyang epektibo at responsableng pamumuno sa PEZA kung saan nasa anim na milyon at tatlong daang libong Pilipino ang nabigyan ng hanap-buhay.  Gayundin ang non-government organization na Philippine Educational Theater Association na ginamit ang theater arts upang baguhin ang lipunan.

Si Vice President Leni Robredo ang nagkaloob ng parangal sa anim na Ramon Magsaysay Awardees. Ayon sa mga ito, ang mga katulad nila ang nagsisilbing pag-asa sa mundong puno ng suliranin at mga hamon.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,