Isang matandang lalake na biktima ng self-accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue at PDRRMC

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 1351

BRYAN_TMBB
Magkatuwang na tinulungan ng UNTV News and Rescue team at Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang biktima ng isang motorcycle accident sa Barangay Maliwalo, Tarlac City pasado alas kwatro y medya kanina.

Kinilala ang biktima na si Porfirio Veltran, 68 anyos at residente sa bayan ng Moncada

Pauwi na sana ang biktima galing sa Barangay Lawang Kupang, Lapaz, Tarlac ang biktima nang masilaw ito sa ilaw ng kasalubong na sasakyan.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang matanda at sumemplang sa concrete barrier sa gilid ng daan.

Nagtamo ng sugat sa kanang paa ang biktima at halos humiwalay ang hinliliit nito.

Agad dinala sa Tarlac Provincial Hospital ang biktima pagkatapos lapatan ng paunang lunas.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,