Isang lalaki patay matapos atakehin ng elepante sa India

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 1208
West Bengal, India(REUTERS)

West Bengal, India(REUTERS)

Isang lalaki sa West Bengal ang namatay matapos ihagis at tapakan ng isa sa dalawang wild elephant sa West Bengal, India.

Ang dalawang elepante ay naligaw sa isang bayan sa Burdwan District.

Tinangka ng mga residente na itaboy palayo ang mga elepante ngunit nabigo sila

Nitong mga nakaraang buwan ay tumaas ang insidente ng pag-atake ng mga elepante sa India.

Ayon sa mga wildlife expert ang pagkasira ng tahanan ng mga hayop ang dahilan kung bakit tumataas ang insidente ng pagpasok ng mga wild elephant sa mga rural village sa India.

Tags: , ,