Isang lalakeng nagtamo ng sugat sa kanang kilay tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 1576

GRACE_TMBB
Binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team Baguio ang isang lalaki matapos lumapit dahil sa tinamo nitong sugat sa kilay.

Kinilala ang biktima na si Omar Arcellana singkwenta y otso anyos na residente ng Barangay Tiptop Pacdal Road Baguio City.

Ayon sa kaibigan nitong si Roger Soriano galing umano ito sa inumann nang madulas ito at tumama ang ulo sa isang matigas na bagay.

Agad namansiyang sinamahan ng kaibigan sa Baguio General Hospital upang maipatahi ang natamong sugat sa kanang kilay.

Dahil umano sa kalasingan ay natanggal nito ang bandage at tahi sa kilay dahilan upang muli itong magdugo.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay tumanggi ang biktima na muling madala sa Baguio General Hospital.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,