Isang lalake sa England, gumugol ng isang taon upang buuin ang isang malaking jigsaw puzzle

by Radyo La Verdad | October 10, 2016 (Monday) | 927
Photo credit: mirror.co.uk

Photo credit: mirror.co.uk

Gumugol ng mahigit isang taon si Jeremy Baker-Deam mula sa Isle of Wight sa England upang buuin ang isang malaking jigsaw puzzle na may 33,600 na puzzle pieces at may habang 5.7 meters.

Ayon kay Deam, hinati niya ang sections ng jigsaw puzzle upang mabuo ito sa iba’t ibang kwarto sa kanyang bahay.

Inako na rin ni Deam ang paglilinis ng kanilang bahay upang maiwasan na may mawalang piraso sa malaking jigsaw puzzle.

Pero sa kasamaang palad, nadiskubre ni Deam na apat na piraso ng jigsaw puzzle ang nawawala.

Ikinadismaya ito ni Deam nguni’t ikinatuwa rin niya nang matapos ang pagbuo ng puzzle kaya’t nagsimula na siyang buuin ang isa pang malaking jigsaw na may 32 thousand pieces.

Tags: , ,