Isang dayuhan mula sa Saudi Arabia, positibo sa MERSCOV

by Radyo La Verdad | July 6, 2015 (Monday) | 888

sec
Kinumpirma ngayon ng Department of Health na isang dayuhan mula sa Saudi Arabia ang kasalukuyang naka confine sa Reseasrch Institute for Tropical Medicine,matapos na magpositibo sa Mers Corona virus.

Ayon sa DOH,pasado alas onse ng umaga noong sabado ng matanggap nila ang ulat kaugnay sa nasabing dayuhan, agad itong inilipat sa RITM at sa ngayon ay kasalukuyan itong naka-isolate at isinasailalim sa mga pagsusuri.

Bukod sa nasabing dayuhan isa rin sa mga naging close contact nito na nagkaroon ng ubo ang naka-isolate na rin sa ritm.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng contact tracing ang ahensya,sa lahat ng mga kapwa pasahero ng nasabing dayuhan.