Isang bata, nagkaroon ng severe dengue kahit nabakunahan ng tatlong beses ng Dengvaxia

by Radyo La Verdad | December 15, 2017 (Friday) | 3351

Kinumpirma ng Department of Health na isang bata sa Tarlac ang nagkaroon ng maituturing na severe dengue matapos makatanggap ng tatlong bakuna ng Dengvaxia.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, dalawang ospital ang nag-diagnose sa bata na mayroong itong severe dengue.

Patuloy na inoobserbhan ng DOH ang kalagayan ng naturang bata na hindi na pinangalanan. Sa kabila nito, pinawi ng grupo ng mga eksperto ang pangamba ng publiko sa Dengvaxia vaccine.

Ayon sa direktor ng Philippine Foundation for Vaccination na si Dr. Lulu Bravo, wala pa umanong napapatunayang namatay dahil sa naturang bakuna.

Ang dalawang kaso ng napaulat na namatay ay kinumpirma ng doh na walang kaugnayan sa Dengvaxia.

Bagamat naniniwala si Dr. Bravo na posibleng magkaroon ng dengue ang nabakunahan ng Dengvaxia, hindi ito magiging malala o severe na maaaring mauwi sa kamatayan.

Aniya 90% ng mga bata edad siyam na taon pataas ay nagkaroon na ng dengue kung kayat posible aniya na makakatulong pa ito sa mahigit walong daang batang nabakunahan.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,