Isang 18 anyos na babae, tinulungan ng UNTV News and Rescue sa Camarines Sur

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1442

ALLAN_TMBB
Namimilipit sa sakit na lumapit ang isang 18 anyos na babae sa UNTV News and Rescue, Martes ng gabi upang humingi ng saklolo sa iniinda nitong paghilab ng tiyan.

Nakilala ang humingi ng tulong na si Joan Gasgas, taga-Calabanga, Camarines Sur.

Batay sa salaysay ni Gasgas, matapos niyang kumain ng tuyo ay sumakit na ang kaniyang tiyan.

Aniya, nabalitaan niya ang mga ginagawang tulong ng UNTV News and Rescue kaya dito niya naisipan na lumapit.

Matapos kuhanan ng vital signs, agad na isinugod sa Bicol Medical Center si Gasgas.

Napag-alaman na isang buwan nang delayed ang menstruation ni Gasgas at may history din ito ng urinary tract infection.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,