Isa, sugatan sa banggaan ng bus at delivery truck sa Edsa North Avenue

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1641

reynante-ponte
Nayupi ang likurang bahagi ng isang pampasaherong bus matapos itong banggain ng delivery truck sa bahagi ng Edsa-North Avenue, Quezon city pasado alas-onse kagabi.

Ayon sa driver ng bus, mabagal lang ang kanyang takbo malapit sa mrt station nang bigla siyang salpukin sa likuran ng isang truck.

Depensa naman ng driver ng truck, hindi siya agad nakapag-preno nang biglang huminto ang sinusundan niyang bus para magbaba ng pasahero.

Sa lakas ng impact, nasugatan sa tiyan ang konduktor ng bus na agad isinugod sa ospital, habang ligtas naman ang nasa dalawampu nilang pasahero.

Dinala na ang mga sasakyan sa QCPD traffic sector 1 habang isinasagawa ang imbestigasyon.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)