Isa patay,isa rin ang sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Hagonoy, Bulacan

by Radyo La Verdad | July 20, 2015 (Monday) | 1481

aksidente_nestor
Nasawi ang isang lalake at sugatan ang angkas nito matapos na bumangga sa halamanan at isang kawayan ang kanilang motorsiklo sa barangay Iba,Hagunoy,Bulacan bandang alas dies kagabi.

Kinilala ang nasawi na si Carlo Carlos,bente anyos samantalang ang kanyang angkas na si Rashid Hasak,bente-kuwatro anyos,ay isinugod kaagad sa ospital dahil sa tinamong mga sugat sa mukha at katawan.

Ayon kay Hasal.pauwi na sila sa Calumpit mula sa isang kasiyahan nang mangyari ang aksidente.

Naghihinagpis naman si Mang Tongkado Carlos sa pagkasawi ng kanyang anak na si Carlo.

Ayon naman sa mga barangay tanod na rumesponde sa aksidente,madalas may naaaksidente sa lugar.(Nestor Torres/UNTV Correspondent)