Isa patay at isa sugatan sa motorcycle accident sa EDSA- Munoz, Quezon City

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 1557

REYNANTE_PATAY
Isa patay at isa ang nasugatan sa nangyaring aksidente sa motorsiklo sa South Bound ng EDSA Munoz pasado alas tres ng madaling araw.

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa nasawi habang kinilala naman ang nasugatan na si Edmar Cerno na residente ng Sta.Cruz Manila.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari matulin ang takbo nang motorsiklo at bigla nalang binangga nito ang mga concrete barriers sa isang bahagi ng kalsada na under construction.

Agad namang isinugod ng UNTV News and Rescue at MMDA Rescue Team ang mga biktima sa hospital.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,