Isa nasawi, lima sugatan sa pagbagsak ng isang eroplano sa Kenya

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 1197
Bumagsak na eroplano sa Kenya(REUTERS)
Bumagsak na eroplano sa Kenya(REUTERS)

Nauwi sa trahedya ang pagluluksa ng isang grupo sa Kenya matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano.

Isang Polish national ang nasawi, samantalang kritikal ang piloto na nagtamo nang matinding sunog sa kaniyang katawan.

Stable naman ang kondisyon ng apat pangpasahero na pawang mga British national.

Ayon sa mga nakasaksi, kakalipad lamang ng eroplano nang bigla itong umikot-ikot sa himpapawid at bumagsak sa sanctuary farm bago ito nagliyab.

Nasa Naivasha umano ang grupo upang makiramay sa isang kaibigang namatayan ng asawa.

Hindi pa rin matukoy ng otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Tags: , ,