Isa na namang weather forecaster ng PAGASA-DOST, nagbitiw sa tungkulin

by Radyo La Verdad | September 4, 2015 (Friday) | 1253

IMAGE_UNTV-NEWS_06032014_PAGASA-FACADE
Isa na namang weather forecaster ng PAGASA-DOST ang nag-resign sa trabaho.

Ayon kay PAGASA Weathermen Employees Association President Mon Agustin, nag-bitiw na sa trabaho ang forecaster na si Fernando Cada.

Isa si Cada sa mga weather specialist ng PAGASA na humaharap sa media briefing lalo na kapag may nagbabantang bagyo sa bansa.

Sa taon ding ito, isa pang senior weather specialist at opisyal ng forecasting section ng PAGASA ang nag-resign sa hindi pa malamang dahilan.(Rey Pelayo/ UNTV Correspondent)