Intersection ng Quezon Avenue at Roosevelt, isasara ng MMDA bukas

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 1032

mmda-logo
Isasara bukas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang intersection ng Quezon Avenue at Roosevelt upang bigyang daan ang pagtatayo ng isang bahagi ng Skyway Stage 3 Project.

Lahat ng mga kakaliwa sa Quezon Avenue na manggagaling sa Roosevelt ay kailangan kumanan muna bago mag uturn sa harap ng Maxima.

Tinatayang nasa anim na libong sasakyan araw-araw ang gumagamit sa u-turn slot.

Dahil sa pagsasara ng intersection, ay ilalagay sa flashing mode ang traffic light sa naturang lugar habang nakabukas ang u-turn slot para sa mga sasakyan patungong EDSA.

Tags: ,