Indefinite suspension, ipinataw ng PEZA sa NCCC Mall at SSI Company sa Davao City

by Radyo La Verdad | January 4, 2018 (Thursday) | 1761

Pinatawan ng indefinite suspension ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA ang registration bilang economic zone ng New City Commercial Center o NCCC Mall at ang outsourcing company na SSI sa Davao City.

Kaugnay ito ng nangyaring sunog sa mall noong Disyembre ng nakaraang taon kung saan tatlumpu’t walo ang nasawi.

Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, hindi ito maaring mag-operate. Papayagan lamang ang mga ito na muling makapag-operate kapag nakasunod na sa safety requirements ng PEZA, Bureau of Fire Protection, Department of Labor and Employment at local government.

Taong 2013 umano ng matuklasan ng PEZA na hindi sumusunod ang SSI Company sa kanilang safety standards at simula noon ay taon-taon umanong pinapadalhan ng liham ang mga ito.

Tags: , ,