Nahaharap ngayon sa kasong plunder, paglabag sa R.A. 3019 o anti-graft and corrupt practices at R.A. 6713 o an act establishing a code of conduct and ethical standards for public officials and employees sina incumbent Biñan, Laguna Mayor Len Alonte-Naguiat at Vice Mayor Walfredo Reyes Dimaguila Jr.
Bunsod ito ng umano’y maanomalyang pagbili ng lupa noong 2009 na ginamit para sa expansion ng municipal cemetery na nagkakahalaga ng halos siyamnapu’t walong milyong piso.
Batay sa inihaing complaint ng negosyanteng si adelaida yatco, sinasabing sabay umano naihalal ang dalawang opsiyal noong 2007, kung kailan binili ang 29, 817 sq meters na lupa na kung pagbabasehan ang fair market value ay nagkakahalaga lamang ng P21,468, 240 subalit aabot sa P98, 396,100 ang ibinayad ng mga opsiyal para sa nasabing lupa.
Base rin sa mga nakalap na impormasyon ni yatco, ang nsabing lupa ay dati umanong pagmamay-ari nina Emmanuel at Alita Capinpin at ni Fe Alonte na siyang ina ng incumbent Mayor ng Biñan, Laguna.
Nakasaad din sa kanyang reklamo na dapat masuspinde ang mga nasabing opisyal habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)
Tags: Biñan, Incumbent mayor at vice mayor, kasong plunder at administratibo, Laguna, Office of the Ombudsman