Bring it on!
Ito ang hamon ni incoming PNP Chief PCSupt. Ronald Dela Rosa sa mga drug lords na umano’y nag aalok ng 10 milyong piso laban sa kanya.
Ayon kay Gen. Dela Rosa, may natanggap siyang intelligence report na nagpulong ang mga drug lord na nakakulong sa National Bilibid Prison upang mag-ambag ng tig sasampung milyong piso kapalit nila ni President-elect Rodrigo Duterte.
Sinabi naman ni Gen. Dela Rosa na hindi siya magpapaapekto sa mga bantang ito at lalong hindi sya takot mamatay.
Binigyang diin pa niya na walang makapipigil sa kanyang plano na sugpuin ang problema sa illegal drugs lalo na ang mga nagpapalaganap nito.
Dagdag pa ni Gen. Dela Rosa, gagawin nya ang lahat upang di maging kasangkapan ang mga pulis sa pagbebenta ng droga at maging bayaran ng mga drug lord.
Tags: hindi takot sa banta, Incoming PNP Chief PCSupt. Ronald Dela Rosa, mga drug lords