Incoming DFA Sec. Cayetano, nagpasalamat at humingi ng suporta sa Senado

by Radyo La Verdad | May 18, 2017 (Thursday) | 3476


Pinasalamatan kahapon ni incoming DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang lahat ng mga nakasama at tumulong sa kanya hanggang sa maitalaga siya bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang valedictory speech, partikular na tinukoy ng bagong DFA chief ang kanyang pamilya, mga kasamahan sa senado at maging ang mga ordinaryong taong naging bahagi ng kanyang buhay sa matagal na panunungkulan bilang mambabatas.

Bago pa man pormal na manumpa bilang chief diplomat, ipinangako ni Cayetano na pangunahin sa kanyang tututukan ay ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

Pag-aaralan din nito kung paano pa mas mapabibilis ang proseso ng passport application lalo na ng mga OFW.

Sa huli ay hiningi naman ni Cayetano ang suporta ng Senado.

(Aiko Miguel)

Tags: , ,