Importer ng mga sasakyan sa Bulacan, sinampahan ng P445-million na tax case ng BIR

by Radyo La Verdad | November 13, 2015 (Friday) | 1489

HENARES
Isang importer ng mga sasakyan sa Bulacan ang inireklamo ng tax evasion ng BIR at sinisingil ng mahigit 445-million pesos na buwis.

Kinilala ang inirereklamong importer na si Alexander Legarda, may-ari ng zone lane trading na matatagpuan sa Malipangpang, San Ildefonso, Bulacan.

Ayon sa BIR, batay sa mga nakuha nilang dokumento mula sa Bureau of Customs, nakapag import si Legarda ng 323-million pesos na halaga ng mga sasakyan at pyesa noong 2013 at mahigit 485-million pesos naman noong 2014.

Ngunit wala itong idineklarang kita at ni hindi ito naghain ng kanyang income tax return.

Nagbabala naman ang BIR sa mga maaaring makabili ng mga sasakyan mula sa inirereklamong importer.

“We are also going to run after the cars, the vehicles, because excise tax has not been paid, therefore, we can actually confiscate the vehicle. I just want to warn people that don’t be surprised if you suddenly find your car being impounded.” Pahayag ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares

Inireklamo rin ng tax evasion ng BIR ang isang bus operator sa Balagtas, Bulacan dahil sa pandaraya umano nito sa kanyang idineklarang kita noong 2009 at 2010.

Sinisingil ito ng BIR ng mahigit 45-million pesos na buwis. (Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: , ,